-- Advertisements --

Naging mahirap ang daan ng TNT Tropang Giga para talunin ang Meralco Bolts 92-90 sa nagpapatuloy na 2024 PBA Philippine Cup na ginanap sa Ninoy Aquino Stadium sa lungsod ng Maynila.

Nanguna sa panalo ng TNT si Calvin Oftana na nagtala ng 26 points, siyam na rebounds at isang assists para magkaroon ng tatlong panalo at tatlong talo ang TNT.

Hindi naman naging kuntento si Oftana sa kaniyang performance at pinasalamatan nito ang kasamahan sa tagumpay nila.

Nasayang naman ang nagawang tig-16 points nina Aaron Black at Cliff Hodge maging ang 11 points ni Allein Maliksi at 10 points ni Chris Banchero.

Sa first quarter ay hawak ng Bolts ang kalamangan hanggang napalapit TNT ang kalamangan.