-- Advertisements --

Nalusutan ng Talk ‘N Text ang Blackwater 105-96 sa nagpapatuloy na PBA season 48 Comissioner’s Cup na ginanap sa Smart Araneta Coliseum.

Bumandera sa panalo ng TNT ang kanilang import na si Rondae Hollis-Jefferson na nagtala ng 42 points, 11 rebounds at walong assists.

Nagdagdag naman ng 14 points at walong rebounds si Calvin Oftana habang mayroong tig 10 puntos sina Kib Montalbo at Glenn Khobuntin.

Sa unang dalawang quarter ay hawak ng Blackwater ang kalamangan hanggang umarangkada ang Tropang Giga sa pagpasok ng third quarter.

Ito na ang dalawang sunod na panalo ng TNT na mayroon na silang apat na panalo at tatlong talo habang ang Bossings ay mayroong isang panalo at pitong talo.