-- Advertisements --
Nalusutan ng TNT ang San Miguel Beermen 105-103 sa nagpapatuloy na PBA Governor’s Cup sa PhilSport Arena.
Nagtala naman ng 21 points si Jayson Castro habang mayroong 14 points si Calvin Oftana at 19 points si import Hollis-Jefferson at 11 points kay Mikey Williams.
Hindi naman umubra ang ginawang 30 points ni Cameron Clark at 25 points ni CJ Perez para sa Beermen.
Dahil sa panalo ay mayroon ng walong panalo at isang talo ang TNT habang mayroong pitong panalo at dalawang talo naman ang Beermen.