-- Advertisements --
Naitabla ng Talk N’ Text sa 1-1 ang best of seven finals nila ng Barangay Ginebra 95-82 sa laro na ginanap sa Araneta Coliseum.
Nanguna sa panalo ng TNT si Rondae Hollis-Jefferson na nagtala ng 23 points, 19 rebounds at siyam na assist habang mayroong 21 points si Mikey Harris at 17 points si Roger Pogoy.
Hindi gaya ng Game 1 ay nalimitahan lamang sa 12 points si Gins import Justin Brownlee.
Sinabi ni TNT coach Jojo Lastimosa na hindi nagpatalo ang kaniyang koponan kaya ginawa nila ang lahat para maitabla ang laro.