Nalusutan ng TNT Tropang 5G ang Meralco Bolts sa overtime 100-98 sa nagpapatuloy na PBA 50th Season Philippine Cup.
Itinuturing na bayani ng laro si Rey Nambatac matapos na maipasok nito ang pull-up jumper sa natitirang pitong segundo ng laro sa laro na ginanap sa Ynares Center, Antipolo.
Si Nambatac rin ang nagtala ng 4-points sa last quarter para madala ng TNT sa overtime at nahabol nila ang 23 points na kalamangan ng Bolts.
Mayroon ng apat na panalo at isang talo ang TNT kung saan tabla sila ng NLEX.
Habang ang Bolts ay mayroong tatlong panalo at apat na talo.
Nanguna sa panalo ng TNT si Calvin Oftana na nagtala ng 24 points, habang mayroong 22 points naman si Nambatac.
Hindi naman umubra ang nagawang 24 points ni Chris Newsome at 21 points ni Chris Hodge para sa Bolts.
















