-- Advertisements --

Ikinasal na ang TNT player na si Poy Erram sa longtime partner nito na si Jerrylee Rabano.

Sa kaniyang social media ay ibinahagi nito ang ilang larawan ng pag-iisang dibdib nila na naganap sa Tagaytay.

Taong 2019 ng maging ‘engaged’ ang dalawa.

Dumalo sa nasabing kasal ang mga kasamahan nito sa TNT Tropang Giga at ilang mga malalapit na kaibigan.

Bumuhos rin ang pagbati mula sa iba’t-ibang kaibigan ni Erram matapos ang pag-iisang dibdib ng dalawa.