-- Advertisements --
Binigo ng TNT Tropang Giga ang NorthPort 117-112 sa nagpapatuloy na 2022 PBA Philippine Cup.
Bumida sa panalo ng TNT si Mikey Williams na nagtala ng 27 points at seven reobunds.
Nag-ambag naman ng 22 points si Roger Pogoy at 17 points naman si Jayson Castro.
Sinabi ni TNT head coach Chot Reyes na target nilang magkaroon ng maraming mga panalo.
Mayroon na kasi ngayon silang anim na panalo at dalawang talo ang TNT habang ang NorthPort ay mayroong dalawang panalo at apat na talo.
Nasayang naman ang ginawang 27 points mula kay Jamie Malonzo at 24 points na nagawa ni Roi Sumang.










