Engaged na ang singer na si TJ Monterde sa kapwa nito mang-aawit at long-time girlfriend na si KZ Tandingan.

Isinagawa ang proposal matapos ang isang performance kaugnay ng 30th birthday celebration ni Monterde.

Ang eksena naman ay nakunan ng video ng kaibigan nilang singer na si Zendee.

Sa Instagram naman, ibinahagi ni Monterde ang larawan nila ni Tandingan suot ang engagement ring, at may caption na: “And Thank You God, for my wife to be.”

Nag-date muna ng isang taon ang dalawa bago maging magkarelasyon noong Enero 2015.

View this post on Instagram

and Thank You God, for my wife to be. ❤️ #TJxKZFinally

A post shared by TJ Monterde (@tjmusicmonterde) on

Umani naman ng pagbati sina TJ at KZ mula sa kanilang mga kaibigan at tagahanga.