-- Advertisements --
Niyanig ng magnitude 5.8 na lindolo ang Tineg, Abra.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS-DOST), naramdaman ang lindol dakong 10:59 ng gabi na may lalim na 28 kilometers.
Naramdaman ang intensity 5 sa Sinait, Ilocos Sur at Intensity 4 sa lungsod ng Baguio.
Pinawi naman ng PHIVOLCS ang banta ng tsunami at patuloy ang ginagawa nilang pag-assess sa pinsala ng nasabing lindol.