-- Advertisements --
Walang naiulat na nasaktan o nasawi sa nangyaring sunog na nagmula sa isang motor supply store sa may Brgy. San Roque, Quezon City nitong Sabado ng gabi.
Ayon sa arson investigator ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa Quezon City na si SFO3 Rolando Valena, agad sila rumisponde na umabot sa unang alarma ang sunog.
Sinabi ni Valena na kanilang naapula ang sunog bandang alas-11:43 ng gabi kagabi.
Ayon sa landlord agad siya bumaba matapos makarinig ito ng sigawan mula sa mga kapitbahay pasado alas-11 ng gabi.
Pagmamay-ari ng isa sa mga tenant niya ang shop na nasunog.
Tinatayang aabot sa P20,000 ang halaga ng pinsala ng nasabing sunog. Kasalukuyang iniimbestigahan pa ng BFP ang pinagmulan ng sunog.