-- Advertisements --

Natupok ng apoy ang limang magkakatabing tindahan ng mga auto parts sa Barangay Marulas, Valenzuela City.

Nagsimula ang nasabing sunog pasado alas-4 ng hapon at ito ay naapula pagkatapos ng mahigit dalawang oras kagabi.

Gumamit pa ang mga bumbero ng chemical flame retardants dahil sa bodega ng mga langis ang nasunog na nagpahirap sa mga ito para ito ay tuluyang maapula.

Wala namang naitalang nasugatan sa nasabing insidente.

Inaalam pa ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang sanhi ng nasabing sunog.