Nanguna bilang highest paid soccer player ng Forbes si Paris St Germain forward Kylian Mbappe.
Sa loob ng walong taon ay nagpapalitan lamang sina Lionel Messi at Cristiano Ronaldo sa nasabing puwesto.
Ang 23-anyos na si Mbappe ay mayroong $128 milyon sa 2022-2023 season.
Habang ang team mate nito na si Messi ay mayroong $120-M na yaman at si Manchester United player na si Ronaldo ay nasa pangatlong puwesto na mayroong yaman na $100 milyon.
Pang-apat naman na puwesto si PSG Neymar na mayroong $87 milyon na yaman at pang-limang puwesto si Liverpool Mohamed Salah na mayroong $53 milyon.
Aabot naman sa kabuuang $652-M ang kabuuang kita ng nasa top-10 na highest paid soccer na mas mataas ng 11 percent kumpara noong nakaraang taon na mayroong $585-M .