Tinatayang aabot na sa bilyong bilyong halaga ang danyos na naitala sa bansang Syria nang dahil sa pagtama ng malakas na lindol doon.
Ayon sa World Bank, tinatayang aabot na sa $5.1 billion ang halaga ng direct physical damage sa nasabing bansa nang dahil sa nangyaring trahedya.
Sa isang pahayag ay sinabi pa nito na ang kasalukuyang value ng mga nasira at napinsalang capital stock nang dahil sa lindol ay tinatayang aabot na sa 10 percent ng Gross Domestic Product.
Ito ay dahil sa naging epekto ng malawakang pinsala sa apat na governorates ng bansa kung saan naninirahan ang nasa humugit-kumulang 10 milyong populasyon ng Syria.
Sa datos, sinasabing ang bayan ng Allepo ang mayroong pinakamalalang pinsalang tinamo na tinatayang umabot sa 45 percent ang estimated budget, na sinundan naman ng mga bayan ng Idlib at Lattakia.
Bukod dito ay ipinaliwanag din ng World Bank na ang naranasang subsequent earthquake sa bansa noong Pebrero 20 ay nagdulot din ng karagdagang pinsala.
Sinasabing ang mga direct damage na tinamo sa mga residential buildings ay nagkakahalaga na sa halos kalahati ng kabuuang pinsala, habang ang infrastructure damages naman ay aabot sa 18 percent ng kabuuan nito.