-- Advertisements --
Mariing kinontra ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa ang mga kritiko ng kaniyang panukalang Charter Change (Cha-Cha) dahil sa isyu ng timing, ngayong may umiiral na COVID-19 pandemic.
Ayon kay Dela Rosa, kung hindi maisasakatuparan ang pagbabago sa saligang batas ngayon, hindi mararamdaman ang layunin ng kanilang nais na pagbabago sa economic provisions.
Giit nito, mas mahalaga ang amendments sa panahon ng pandemic dahil mapapalakas ang pagpasok ng foreign investors, na makakapagbangon sa matamlay na ekonomiya.
Lumalabas aniya sa pag-aaral na ang mahigpit na mga batas sa Pilipinas ang isa sa nakakahadlang sa mga banyagang negosyante, para magbuhos ng kanilang puhunan.










