-- Advertisements --

Desidido ngayon ang Minnesota Timberwolves na tapusin na ang first round Western Conference playoffs nila ng Phoenix Suns.

Isang panalo na lamang kasi ng 3-seed na Minnesota ang kailangan laban sa 6-seed na Suns matapos na makuha nila ang 3-0 na kalamangan sa best of seven games.

Kahit aniya sa Footprint Center na home court ng Suns ang laro ay hindi pa rin sila natitinag dahil noong nakaraang Game 3 ay tinambakan nila ang Suns 126-109.

May mga pagbabago na rin silang ipinapatupad lalo na at asahan ang pagiging agresibo ni Suns star player Kevin Durant.

Target naman ng Milwaukee Bucks na maitabla sa 2-2 ang serye nila Indiana Pacers sa Eastern Conference playoffs.

Magsisimula ang laro ng dalawa ng ala-7 ng umaga nitong Lunes sa Gainbridge Fieldhouse sa Indiana.

Malaking hamon ngayon sa Bucks ang hindi paglalaro nina Damian Lillard na mayroong achilles at ni Giannis Antetokounmpo na mayroong calf injury.

Ilan sa mga ipinalit na mayroong panibagong role ay sina Bucks forward Bobby Portis at center Brook Lopez.