-- Advertisements --

Uusad na rin bilang No. 7 seed sa NBA Western Conference ang Minnesota Timberwolves makaraang malusutan ang Los Angeles Clippers, 109-104.

Kaugnay nito, makakaharap ng Wolves sa first-round matchup ang Memphis Grizzlies.

Umiskor sina Anthony Edwards at D’Angelo Russell ng kabuuang 59 points upang punan ang inalat na si Karl-Anthony Towns.

Tumipon kasi si Edwards ng 30 points kasama na ang limang mga 3-pointers habang si Russel naman ay hindi nagpahuli sa 29 points.

Sa panig naman ng Clippers nasayang ang doble kayod na ginawa ni Paul George na 34 points.

Gayunman may tiyansa pa rin ang Clippers na mag-quality sa playoffs kung mananalo sila sa team na magwawagi naman sa banggaan sa pagitan ng New Orleans versus San Antonio Spurs.