-- Advertisements --

Pormal ng itinalaga ng Samahang Basketball sa Pilipinas si Tim Cone bilang bagong head coach ng Gilas Pilipinas.

Sinabi ni SBP president Al Panlilio na nakumbinsi nila si Cone para sa nasabing posisyon.

Noong una aniya ay nag-alangan pa si Cone na pumalit sa puwesto ng nagbitiw na head coach ng Gilas na si Chot Reyes.

Makakasama niy sa coaching staff sina SMC sports director Alfrancis Chua bilang team manager at PBA Commissioner Willie Marcial bilang deputy team manager.

Magsisilbi naman bilang assistant coaches sina Richard del Rosario, Jong Uichico, Josh Reyes at dating PBA player LA Tenorio.

Paliwanag naman ni Cone na pansamantala lamang niyang tinanggap ang puwesto dahil sa limitadong oras para paghandaan ng koponan ang Asian Games na magsisimula na sa susunod na tatlong linggo.

Magugunitang nagbitiw si Reyes matapos ang bigong kampanya ng Gilas Pilipinas sa katatapos na FIBA Basketball World Cup.