-- Advertisements --
Suportado ni Gilas Pilipinas head coach Tim Cone ang paglalaro ni naturalized player Justin Brownlee bilang import sa Indonesian Basketball League ng ilang buwan.
Sinabi nito na isang paraan ito para kay Brownlee na hindi mawalan ng pokus sa paglalaro at dagdag na kita na rin sa kaniya.
May sapat pa kasi na panahon si Brownlee na maglaro sa ibang liga dahil sa hindi pa ito kailangan sa PBA at medyo matagal pa ang muling paglalaro ng Gilas Pilipinas sa Olympic Qualifying Tournament.
Maaring sa buwan pa ng Hunyo ito makabalik sa para sa Olympic Qualifiers.
Magugunitang huling naglaro si Brownlee noong unang window ng 2025 FIBA Asia Cup Qualifiers noong Pebrero.