-- Advertisements --

Nagpahayag ng interest si Gilas Pilipinas coach Tim Cone na makuha sa national basketball team si Beermen import Bennie Boatwright.

Sinabi ni Cone na nakipag-ugnayan na sila ng Samahang Basketball ng Pilipinas sa 6-10 player para maging naturalized player.

Nabigyan na nila ito ng impormasyon subalit wala pang katiyakan.

Si Boatwright ay mayroong average na 37.2 points, 11.8 rebounds at 3.8 assists.

Paglilinaw naman ni Cone na prioridad pa rin nila si Justin Brownlee bilang naturalized player ng Gilas na inasahang makakapaglaro sa FIBA Asia Cup qualifiers ngayong buwan.