-- Advertisements --

Hindi pa nakakausap ni Gilas Pilipinas coach Tim Cone ang Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) kung mananatili pa ito sa posisyon.

Sinabi nito na nagkikita sila sa mga okasyon ni SBP president Al Panlilio subalit hindi pa natatalakay ang nasabing usapin.

Pagtitiyak naman nito na handa naman niyang ibahagi ang mga kaalaman sa national basketball team ng bansa.

Magugunitang si Cone ang naging coach na sa pagsabak ng Gilas sa Hangzhou Asian Games matapos ang pagbibitiw ni Chot Reyes dahil sa mahinang performance ng kopona noong FIBA World Cup.