-- Advertisements --

Napilitang barilin ng mga kapulisan sa India ang isang tigre matapos na magwala at nakapatay ng siyam na katao sa Champaran, Bihar.

Tinaguriang “man-eater ng Champaran” ang tigre na napatay matapos tugisin ng nasa 200 kapulisan at district officials.

Ang nasabing tigre ay gumagala sa Valmiki Tiger Reserve.

Sa lugar na kasi na iyon ay 70 percent na naninirahan ay mga wild tigers sa buong mundo.

Sinabi ni Nesamani K ang director ng Valmiki Tiger Reserve na mula pa noong Sabado ay kanilang tinutugis ang T-104 na tigre.