-- Advertisements --

Umatras na sa paglalaro sa US Open Golf tournament si Tiger Woods.

Sinabi nito na wala siya sa kondisyon dahil sa kumikirot pa ang kaniyang bagong operang binti.

Dagdag pa niya na kailangan niya ng mahabang panahon para makapagpahinga para maging malakas sa anumang pangunahing championships.

Huling sumabak ito sa torneo noong Mayo sa PGA Championship kung saan umabot ito ng ikatlong round subalit nag-withdraw ito sa ikaapat na round.

Magugunitang nasangkot sa aksidente ang American golf star noong Pebrero 2021 sa California kung saan nagtamo ng sugat sa kaniyang hita at iba’t-ibang bahagi ng katawan.