-- Advertisements --

Minamadali na ng Philippine Ports Authority (PPA) na gawing automated ang pagbili ng mga tickets sa pantalan, bilang new normal sa ticketing system.

Sinabi ni PPA General Manager Jay Santiago, sinasamantala nila ang maluwag na daloy ng tao sa mga pier para magawa ang modernization program.

Paliwanag ng opisyal, mahalaga ang automated process ng pagbabayad upang maingatan ang kalusugan ng mga mananakay laban sa COVID-19.

Sa halip kasing pumila ang mga pasahero sa mga teller, nais nilang magkaroon na lamang ng makina na kukuha ng data sa para sa destinasyon at schedule ng byahe pati na ang mga importanteng impormasyon gaya ng pangalan at I.D.

Sa oras na makumpleto na ang mga impormasyo ay maglalabas ang machine ng ticket na may nakasaad na code.