-- Advertisements --

Nahigitan na ng FIFA Women’s World Cup ngayong taon ang bilang ng naibentang tickets kumpara noong 2019 edition nito sa France.

Sinabi ni FIFA secretary-general Fatma Samoura na mayroong mahigit 1.375 milyon tickets ang naibenta sa isang buwang torneo na ang magiging host ay ang Australia at New Zealand.

Lahat aniya ng mga laro sa Australia ay sold-out na habang mahina ang bentahan sa New Zealand dahil ang national game nila doon ay Rugby.

Sa kabuuang 24 na koponan ay mayroong 29 na laro ang gaganapin sa New Zealand.

Makakaharap ng New Zealand sa opening game ang Norway habang ang Australia ay makakaharap ang Ireland na gaganapin ngayong araw.