-- Advertisements --
Itinuturing na suwerte ang pagpbabalik sa paglalaro ni Scottie Thompson matapos magwagi ang Barangay Ginebra 110-96 laban sa Meralco Bolts.
Nagtala ng ang PBA Most Valuable Player ng 21 points, pitong rebounds at pitong assists.
Mayroon namang 12 points at 13 rebounds si Ginebra import Tony Bishop.
Pinutol ng Ginebra ang pang-apat na sunod na panalo ng Bolts.
Nasayang ang nagawang 23 points ni Zach Lofton para sa Bolts.
Nasa pang-apat na puwesto na ang Ginebra kasama ang San Miguel Beermen na mayroong limang panalo at tatlong talo habang ang Bolts ay nasa pangatlong puwesto na mayroong anim na panalo at dalawang talo.