Pumanaw na ang original bassist ng bandang Third Eye Blind na si Jason Slater sa edad 49.

Kinumpirma mismo ang anak nitong si Alyssa Carlson ang pagkasawi ng ama dahi lsa liver failure.

3eb

Nalagutan aniya na ito ng hininga habang nasa pagamutan sa Maui.

Kuwento pa nito, itinago ng ama ang kaniyang kondisyon at noong nakaraang buwan pa lamang ay ipinaalam sa kaniya na ito ay dinala na sa pagamutan.

Bukod sa pagiging bassist ay back up vocalist din ito ng banda mula ng binuo noong 1993.

Kasama ito sa nag-record ng kanilang unang demo at umalis sa banda matapos ang unang taon nila.

Nagpalipat-lipat ito ng banda kagaya ng Microdot, Revenge of the Triads, Snake River Conspiracy at Brougham.

Noong 2008 ng magpost ng video sa YouTube si Jason sa unang recording session nila.

Binubuo nina Stephan Jenkins at drummer Brad Hargreaves ang original na miyembro ng Third Eye Blind.

Ilan sa mga pinasikat na kanta ng grupo ay “Losing a Whole Year,” “Semi-charmed life,” “How’s It Going To Be” at maraming iba pa.