-- Advertisements --

Siniguro ngayon ng Estados Unidos na kabahagi sila ng Pilipinas sa inihaing serye ng protesta laban sa China.

Una nang nagsampa ng panibagong diplomatic protests ang Department of Foreign Affairs (DFA) laban sa China dahil sa pagharang sa isang barko ng Pilipinas na magsasagawa sana ng resupply mission at pagpapadala ng may 200 mga militia vessels sa karagatan sakop ng Pilipinas na West Philippine Sea.

Sa statement ng US State Department spokesperson Ned Price sinabi nito na magiging sila ay nag-aalala sa ginagawang probokasyon ng China na maituturing na paglabag sa soberanya at sa exclusive economic zone.

Kaya naman sinusuportahan daw ng United States ang Pilipinas sa panawagan nito sa People’s Republic of China na tigilan na ang mga provocative actions at igalang ang international law.

“We share the Philippines’ concerns regarding the PRC’s provocative actions interfering with Philippine sovereign rights within the Philippine exclusive economic zone near Second Thomas Shoal and massing vessels near Whitsun Reef,” ani Price sa statement. “The United States stands with our ally, the Philippines, in upholding the rules-based international order and freedom of navigation in the South China Sea, as guaranteed under international law.”

Bagamat hindi kasama ang Washington sa iringan sa agawan ng teritoryo, ang Pilipinas naman ay merong umiiral na kasunduan o sa Mutual Defense Treaty.