-- Advertisements --

Inanunsiyo ni Thailand Prime Minister Prayuth Chan-ocha ang kaniyang tuluyang pagreretiro sa pulitika.

Hindi naman na nito binanggit ang dahilan ng kaniyang pagbibitiw sa puwesto at bilang miyembro ng United Thai Nation Party.

Mananatili muna siyang carteaker premier ito hanggang makabuo sila ng bagong gobyerno.

Naging Prime MInister si Prayuth sa loob ng siyam na taon ng magtagumpay ang ginawa nitong kudeta bilang army chief.