Aabot na sa mahigit 200 laboratoryo ang nagsasagawa ng COVID-19 test sa Pilipinas, ayon kay testing czar Sec. Vince Dizon.
Sa pulong ng House committee on health, sinabi ni testing czar Sec. Vince Dizon na hanggang ngayong Marso 30 ay nasa 239 testing laboratories na nag nagsasagawa ng COVID-19 testing sa bansa.
Iginiit ni Dizon na malayo na ang narating ng Pilipinas pagdating sa testing kung ikukumpara noong nakaraang taon, kung saan ipinapadala pa sa Australia ang mga nalikom na samples.
Dagdag pa nito, mula sa 24,462 tests na naisagawa ng bansa noong April 2020, ay naabot na ng bansa ang 10 million mark nito nitong March 28.
Pumapalo naman sa 51,143 ang average test kada araw hanggang noong nakaraang linggo.
Noong nakaraang taon, aabot lamang ang average sa 1,000 average kada taon.