-- Advertisements --

Misteryo pa rin ang magiging kapalaran ng 3,500 pasahero na lulan ng Grand Princess cruise ship na kasalukuyang nasa karagatan ng San Francisco.

Hindi pinayagang makadaong sa pantalan ang nasabing cruise ship hangga’t hindi pa nito nakukuha ang resulta mula sa test kits na idineliver gamit ang isang helicopter.

Ito’s matapos mapag-alaman na dito nagmula ang kauna-unahang namatay sa California dahil sa coronavirus.

Sinabi ni Mary Ellen Carroll, executive director ng San Francisco Department of Emergency Management na inaasahan nilang dadating ang test result bukas.

Aniya, may sakay na 2,383 pasahero at 1,100 tripulante ang Grand Princess cruise ship. 35 sa mga ito ay nagpakita umano ng flu-like symptoms habang nasa kalagitnaas ng paglalayag.