-- Advertisements --

Wala na sa unang listahan ng pinakamayamang tao sa buong mundo ang negosyanteng si Elon Musk.

Ayon sa Forbes at Bloomberg na nahigitan na ito ni Bernard Arnault ang chief executive ng luxury goods group na LVMH.

Ayon kasi sa Forbes na mayroong kabuuang yaman si Arnault na $188 bilyon habang ang Tesla CEO na si Musk ay mayroong $178-B.

Si Musk ay chief executive at pinakamalakng shareholder ng Tesla kung saan noong Oktubre ay binili nito ang social network na Twitter sa halagang $44-bilyon.