LEGAZPI CITY – Hindi pa umano tapos ang tulong na ipapaabot ng mga trainees ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Bicol sa mga biktima ng bulkang Taal.
Kasunod ito ng paghahatid ng TESDA central office sa nasa 6,900 face masks at 540 bottled water para sa mga evacuees na inimpok sa pamamagitan ng programa na “TESDA Bicol Operation Tabang for the Taal Volcano Eruption Victims.”
Ayon kay TESDA Bicol Spokesperson Ria Gomez sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, tuloy lang ang pagtatahi ng mga estudyante sa Dressmaking II at Tailoring NC II ng mga face masks maging ang pag-bake ng Bread and Pastry Production II trainees para sa ikalawang batch ng tulong na ipapadala sa weekend.
Imbes aniyang canned goods ang ibibigay, naisip nilang gamitin ang mga output ng mga estudyante ng TESDA.
Magsisilbi sanang income generating projects ang mga output ng trainees subalit mas minabuting i-donate na lamang sa mga nangangailangan.