-- Advertisements --
Pinahirapan ng Barangay Ginebra ang Terrafirma 111-90 sa nagpapatuloy na PBA Commissioner’s Cup.
Nanguna sa panalo ng Gins si Justin Brownlee na nagtala ng 23 points, 11 rebounds at 11 assists.
Habang mayroong 19 points si Christian Standhardinger, 13 points naman ang naiambag ni Japeth Aguilar, at 12 points ang naidagdag ni Scottie Thompson.
Nasayang naman ang nagawang 21 points ni Eric James Camson at tig-16 points nina Joshua Munzon at Juan Miguel Tiongson.
Dahil sa panalo ay mayroon ng apat na panalo at dalawang talo ang Ginebra habang wala pang panalo ang Dyip sa pitong laro.