-- Advertisements --
Buhay pa ang tsansa ng Terrafirma Dyip sa playoffs matapos na tambakan ang Alaska Aces 105-89 sa nagpapatuloy na 2021 PBA Philippine Cup na ginanap sa Don Honorio Ventura State University Gym sa Bacolor, Pampanga.
Ito na ang huling laro nila at dahil sa tagumpay ay mayroon na silang apat na panalo at pitong talo.
Habang ang Aces ay mayroong tatlong panalo at anim na talo.
Mayroong anim na manlalaro ng Dyip ang nakapagtala ng double digit.
Hawak pa ng Aces ang kalamangan sa first half ng laro hanggang tuluyang nakabawi ang Terafirma.