-- Advertisements --

Malugod na inanunsyo ng Western Mindanao Command ng Armed Forces of the Philippines na tuluyan nang nabuwag ang teroristang grupong Abu Sayyaf sa Pilipinas.

Ito ay matapos ang mahigit tatlong dekadang pakikipagsagupaan ng AFP sa naturang teroristang grupo na kumitil sa buhay ng marami sa ating mga kababayan at maging sa tropa ng kasundaluhan.

Ayon kay Western Mindanao Command, commander LTGen. William Gonzales, sa ngayon ay may 14 pang miyembro ng naturang teroristang grupo ang nalalabing nagtatago sa probinsya ng Sulu, habang anim na sa Basilan.

Ngunit gayunpaman ay tuluyan na aniyang nabuwag ang mismo ng organisasyon nito matapos ang matagumpay na pagkakanutralisa sa lahat ng mga high-value individuals sa leadership ng Abu Sayyaf Group.

Kaugnay nito ay sinabi rin ng naturang heneral na kasalukuyan nang nakikipagnegosasyon ang Wesmincom sa mga natitira pang mga miyembro ng naturang teroristang grupo at maging sa kanilang mga pamilya upang hikayatin ang mga ito na muling magbalik-loob sa pamahalaan.

Samantala, sa ngayon ay sinabi naman ni LTGen. Gonzales na hinihintay na lamang nila ang magiging parameters ng General Headquarters para naman sa portal na pagdedeklara ng Armed Forces of the Philippines na dismantled na ang teroristang grupo na Abu Sayyaf.

Matatandaan na taong 1991 itinatag ni Abdurajak Abubakar Janjalani ang Abu Sayyaf Group, habang noong taong 2016 naman nagsimulang sumuko sa pamahalaan ang nang batch ng mga fighters nito.