-- Advertisements --

Kinumpirma ni Foreign Affairs Sec. Teddyboy Locsin Jr. na natanggap na ng China ang receipt of acceptance ng Pilipinas sa terms of reference ng panukalang joint exploration sa West Philippine Sea.

Aminado si Locsin na mas tapat ang inihaing terms ng Beijing kumpara sa labis umanong hiling ng estado.

Gayunpaman, hindi raw basta-basta madadaya ng China ang Pilipinas, dahil tiyak na magiging pabor sa bansa ang panuntunan kapag nagtangka ang Beijing na baguhin ito.

“China acknowledged receipt of my acceptance. Any attempt to rework or reword the MOU is at the expense of basic (Philippine) interests.”

Nitong Martes nang makaharap ni Locsin si Chinese Foreign Minister Wang Yi sa 52nd ASEAN Foreign Ministers’ Meeting sa Thailand.

Dito, nangako umano ang kalihim sa China na itutuloy ng bansa ang kooperasyon sa mga kapwa ASEAN countries at Beijing.

“Secretary Locsin lauded the continued progress in the negotiations towards an effective and substantive Code of Conduct on the South China Sea.”