Pinabulaanan ni Speaker Alan Peter Cayetano na burado na ang term-sharing sa House Speakership.

Ayon kay Cayetano, na walang pagbabago sa naging desisyon noon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Wala aniyang rason na mabahala ang kapwa niya mambabatas na masayang ang naunang napagkasunduan sa pagitan nila ni Marinduque Rep. Lord Allan Jay Velasco.

Dagdag pa nito na matutuloy pa palitan nila nila ni Velasco matapos ang 15 buwan.

Magugunitang lumabas ang balitang posibileng mapatagal pa ang termino ni Cayetano dahil sa pagtaas ng kaniyang trust ratings.