-- Advertisements --
Kuwestiyonable pa rin kung makakapaglaro sa Game 6 ng 2022 PBA Commissioner’s Cup laban sa Bay Area Dragons si Barangay Ginebra point guard LA Tenorio.
Ayon kay Ginebra coach Tim Cone na na-diagnosed si Tenorio ng abdominal strain.
Natamo nito ang injury sa Game 5 nitong linggo kung saan nagwagi ang Ginebra 101-91 para makuha ang 3-2 na kalamangan.
Kahit na may kirot na itong nararamdaman sa tiyan ay pinilit pa rin niyang makapaglaro ng hanggang third quarter.
Ang 38-anyos na point guard ay hindi lumiban sa mga laro mula ng pumasok ito sa PBA noong 2006 na mayroong 736 na magkakasunod na laro.