-- Advertisements --

Nakatakda umanong mag-donate ang tennis star na si Roger Federer ng $500,000 o katumbas ng humigit kumulang P25 million para sa mga biktima ng digmaan sa Ukraine partikular ang mga bata.

Ang United States Tennis Association (USTA) ay magdo-donate din umano ng percentage ng kanilang ticket revenue mula sa kanilang Billie Jean King Cup tie laban sa Ukraine para sa relief fund.

Una rito, iniulat ng UN Refugee Agency (UNHCR) na ngayong linggo ay nasa 3 million refugees na ang umalis sa Ukraine na katumbas ng 7 percent ng kanilang populasyon.

Sa ngayon aabot daw sa anim na milyong Ukrainian childrea ang out of school dahil sa digmaan at kinakailangang tulungan para magkaroon ng access sa edukasyon.

Si Federer, 40-anyos ay hindi na nakapaglaro sa Wimbledon Open noong nakaraang taon dahil sa knee surgery.

Target naman daw ng 20-times Grand Slam winner na bumalik sa grasscourt swing ngayong taon.