-- Advertisements --

Nangako si World Number 7 tennis player Ons Jabeur na kaniyang ibibigay bilang donasyon ang bahagi ng kaniyang mapapanalunan sa WTA Finals para tulungan ang mga Palestinians.

Emosyonal na inanunsiyo ng Tunisian player ang nasabing plano matapos talunin si Markéta Vondroušová ng Czech Republic sa torneo na ginanap sa Cancun, Mexico.

Sinabi ni Jabeur na ang kalagayan sa mundo ay hindi na aniya nakakatuwa.

Labis ito ng nasasaktan dahil sa maraming mga bata ang nadamay at nasawi kaya nagpasya ito na ibigay sa Palestinian ang bahagi ng kaniyang mapapanalunan.

Noong 2021 ay si Jabeur ang unang Arab woman na nagwagi ng WTA title at noong 2022 siya ang unang Arab o North African woman na umabot sa semifinals at finals ng grand slam.