-- Advertisements --

Masayang ibinahagi ng five-time Grand Slam tennis champion Maria Sharapova na ito ay buntis na.

Sa kaniyang social media account ay isinagawa ang anunsiyo kasabay ng kaniyang ika-35 na kaarawan.

Magugunitang noong Pebrero 2020 ay nagretiro na sa paglalaro ng tennis ang Russian tennis player.

Inanunsiyo rin nito noong Disyembre 2020 ang kaniyang engagement sa British businessman Alexander Gilkes.