-- Advertisements --

Masayang inanunsiyo ni tennis great Martina Navratilova na gumaling na siya matapos ang pagsasailalim ng gamutan sa kaniyang throat at breast cancer.

Sa kaniyang social media account ay pinasalamatan niya ang kaniyang mga doctor at nurse dahil sa paggaling niya.

Una ng na-diagnosed si Navratilova ng breast cancer noong 2010.

Ang 66-anyos na tennis hall of farmer ay nagwagi ng 59 grand slam singles at doubles titles sa kaniyang tennis career.

Matapos ang pagreretiro sa singles noong 1994 sa edad na 38 ay nagpatuloy ito sa paglalaro ng doubles.
Hawak niya ang WTA Tour’s all-time record na mayroong 167 titles.