Patuloy pa rin na tinututukan ng mga tennis fans ang pagsabak sa ikatlong round ng US Open ni tennis great Serena Williams.
Itinuturing kasi ng mga fans na maaring ito na ang huling laro ng US tennis star sakaling mabigo ito sa kamay ni Ajla Tomljanović ang ranked 38 Croation-Australian professional tennis player.
Matapos kasi ang panalo ng 23-time grand slam champion sa second round laban kay Anett Kontaveit ay nasabik ang ilang mga fans nito na muling makita itong maglaro sa ikatlong round.
Aminado kasi si Kontaveit na kakaiba ang atmosphere dahil tila maraming mga pumapabor na manalo si Serena.
Gaya ng mga una at ikalawang round ay inaasahan na magiging star-studed pa rin ang audience kung saan isa sa mga nanood ng laro niya sa second round ay si golf star Tiger Woods.
Pinayuhan naman ni dating world number 1 Roger Federer si Serena Williams na dapat ay sulitin niya ang paglalaro ng US Open.
Magugunitang nagpahayag si Serena Williams na magreretiro na sa paglalaro kapag natapos na ang US Open at tututok na sa buhay pamilya at sa negosyo.