-- Advertisements --
court of appeals

Bigo ang National Union of People’s Lawyer (NUPL) na makakuha ng Temporary Protection Order (TPO) sa Court of Appeals (CA) laban sa umano’y pagbabanta at pangha-harass sa kanila ng mga otoridad.

Pinaratangan noon ng NUPL ang militar na nagsasabing protektor daw ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) ang kanilang grupo.

Pero sa walong pahinang desisyon ng CA Special Fifteenth Division, wala raw nakikita ang CA na basehan para paboran ang hirit na proteksyon ng NUPL batay sa mga ebidensiyang iprinisinta sa kanila ng grupo.

Depensa ng CA, bigo ang NUPL na ibigay sa kanila ang listahan ng mga miyembro nito na gusto nilang maprotektahan at ang pribadong institusyon na nais nilang magbigay sa kanila ng proteksiyon.

Ito ay mga requirement sa paghahain ng aplikasyon para sa TPO.

Hindi rin umano sakop ng TPO ang nais ng NUPL na pagbawalan ng CA ang militar na siraan ang grupo sa publiko.

Dagdag ng CA, nag-isyu na ang Korte Suprema ng Writ of Amparo sa kanilang resolusyon noong Mayo pabor sa NUPL kaya hindi na kailangan ng TPO.