-- Advertisements --

Hinimok ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez ang ABS-CBN na bigyan ng temporary franchise ang ABS-CBN matapos na ipasara ng National Telecommunications Commission (NTC) ang naturang media giant.

Sinabi ni Rodriguez na maghahain siya ng joint resolution para sa temporary franchise ng ABS-CBN sa loob ng dalawang buwan o hanggang sa katapusan ng first regular session ng 18th Congress sa Hunyo 30.

Umaasa itong mapabilis ang pagdanig kahit pa isagawa ito sa pamamagitan na lamang ng videoconferencing.

Dati nang naghain ng resolusyonsi Rodriguez para palawigin pa ng isang taon ang prangkisa ng ABS-CBN.

Isa ito sa 11 bills at resolutions na nakabinbin pa rin sa ngayon sa House committee on legislative franchises.

Sabi ng mambabatas, maghahain rin siya ngayon ng bill para mabigyan ang ABS-CBN ng bagong prangkisa na tatagal ng 25 taon dahil napaso na aniya ang legislative franchise ng kompanya noong Mayo 4.