-- Advertisements --

Tinanggal na ng Department of Agriculture (DA) ang temporary ban sa pagpasok ng domestic at wild birds dito sa bansa mula sa Iowa at Minnesota, sa Estados Unidos.

Ayon kay agriculture sec. Francisco Laurel Jr. ipinatupad ang naturang ban noong nakalipas na taon bilang tugon sa avian infuenza outbreak sa 2 estado bilang precautionary measure para mapigilan ang pagkalat ng virus sa bansa.

Kabilang naman sa ipinag-utos ng DA chief maaaring angkatin sa PH ay ang live poultry, poultry products at by-products gaya ng day-old chicks at hatching eggs.

Base ang desisyon na ito sa official report ng US veterinary authorities sa World Organization of Animal Health na lahata ng apektadong mga bansa sa Iowa at Minnesota ay avian influenza-free na simula pa noong Enero 10 ng kasalukuyang taon.

Ang US ay ang pangunahing pinagkukunan ng PH ng poultry products, kung saam nakapagpadala ito sa bansa ng kabuuang $180.5 million o P10 billion halaga ng poultry meat at products, maliban sa itlog.