-- Advertisements --
PSA

Bumaba raw ang bilang ng mga batang may edad na 15 hanggang sa 19-anyos noong nakaraang taon.

Base sa data ng Philippine Statistics Authority (PSA), mula sa dating 8.6 percent noong 2017 ay naging 5.4 percent ito noong nakaraang taon.

Sa mga nabuntis, nasa 13.3 percent ang 19-year-olds, 5.9 percent ang 18-year-olds, 5.6 percent ang 17-year-olds, 1.7 percent ang 16-anyos at 1.4 percent ang 15 taong gulang.

Sinabi ng PSA na nasa 0.4 percent ng mga buntis ay nakaranas ng pregnancy loss.

Samantala, sa data mula sa PSA, ang teenage pregnancy ay mas mataas sa rural areas sa 6.1 percent kumpara sa 4.8 percent sa urban areas.

Nakapagtala naman ang Northern Mindanao ng pinakamataas na percentage na mayroong 10.9 percent na sinundan ng Davao Region na mayroong 8.2 percent, Central Luzon at 8 percent at Caraga na mayroong 7.7 percent.

Ang Ilocos Region at Bicol Region ay parehong nakapagtala ng pinakamababang percentage na 2.4 percent.

Ayon sa PSA, ang percentage ng teenage pregnancy ay bumaba rin sa increasing wealth quantile.

Lumalabas na isa sa bawat 10 babae na may edad 15 hanggang 19 sa “poorest quantile” o 10.3 percent ay nabuntis habang 1.8 percent ng mga kababaihan nasa “wealthiest quantile” ang nabuntis.

Ang 2.8 percent ng mga kababaihan namang nasa “poorest quantile” ay kasalukuyang nagdadalang tao na mas mataas sa 0.7 percent sa mga kababaihang nasa “wealthiest quantile.”

Kapag pag-uusapan naman ang educational attainment, sinabi ng PSA na ang teenage pregnancy ay ang most common na nakakumpleto ng grade levels 1 hanggang 6 ay nasa 19.1 percent.

Nasa 5.3 percent naman ang nakakumpleto ng grades level 7 hanggang 10, 4.8 percent ang nakakumpleto ng 11 hanggang 12 at 1.9 percent ang nakaabot sa college level.

Nakapag-interview daw ang Philippine Statistics Authority ng kabuuang 27,821 women na may edad 15 hanggang 49 mula sa 30,372 sample households noong 2022.