Malugod na tinatanggap ni House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Partylist Rep. France Castro ang paglagda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa Teaching Supply Allowance (TSA) Act, na maituturing na landmark legislation na magbibigay sa mga public school teachers ng makabuluhang tulong sa kanilang mga kagamitan at mapagkukunan sa pagtuturo.
Sinabi ni Castro ito ay matagal nang pagkilala sa mahalagang papel na ginagampanan ng mga guro sa paghubog ng isipan ng mga susunod na henerasyon.
Dagdag pa ni Castro ang paglagda sa TSA Act, ang mga masisipag na guro ay magkakaroon na ng mga kinakailangang pondo para makabili ng mga kagamitan sa pagtuturo na kailangan nilang maihatid. kalidad ng edukasyon sa mga mag-aaral.
Sa ilalim ng batas, inoobliga nito ang Department of Education na ang bawat public basic education teacher ay mabigyan ng cash allowance ng tig P10,000 na magsisimula sa school year 2025-2026 at sa mga susunod pang pasukan.
Ang nasabing cash allowance ay ibibigay sa bawat school year sa bawat guro.
Si Castro ang principal author ng nasabing batas.
Ayon sa makabayan bloc lawmaker na siya ay natutuwa at magiging ganap na batas ito at ang mga guro ay makakatanggap na ng suporta mula sa gobyerno.