(Update) CENTRAL MINDANAO – Sinusuri na ngayon ng City Health Office sa lungsod ng Cotabato ang kinaing pastil na sanhi ng pagkalason ng isang guro at walong estudyante.

Nakilala ang mga biktima na sina Chester Besinio, 21, guro ng Coland System Technology College at mga estudyante niya na sina Asmia, Zakia, Nilvance, Rahima, Asmera, Sittie Rodjiya, Joy at Charlet Jane.

Ayon kay Besinio, kumain umano sila ng pastil na binili na hindi kalayuan sa kanilang paaralan.

Makalipas ang ilang minuto ay sumakit na ang tiyan ng mga biktima at nagsusuka.

Dinala ang guro at walong estudyante sa pagamutan kung saan agad silang nilapatan ng gamot.

Sa ngayon ay nagpapatuloy din ang imbestigasyon ng Cotabato City PNP sa binilhan ng pastil ng mga biktima.