-- Advertisements --
Nanguna ang singer na si Taylor Swift na may pinakamaraming nominasyon sa American Music Award.
Mayroon itong kabuuang walong nominasyon kabilang Artist of the Year, Song of the Year na “The Fate of Ophelia” at Album of the Year nomination na “The Life of a Showgirl”.
Ang pop superstar na siyang may pinakamaraming AMA wins kaysa sa ibang mga singer ay nakatanggap ng anim na nominasyon noong nakaraang taon.
Sumusunod naman sa kaniya si Sabrina Carpenter,Olivia dean,SOMBR at Morgan Wallen na mayroong tig- pitong nominasyon.
Gaganapin ang awarding ceremony sa Mayo 25 sa Las Vegas kung saan napiling maging host ang actor at singer na si Queen Latifah.
















